Noong ika-11 ng Disyembre 2015 ang dulang “Si Maria Isabella at ang Guryon ng mga Tala” ay itinanghal sa PowerMac Theater sa siyudad ng Makati.
Ang dulang ito ay hango sa maiksing istorya na gawa ni Dean Francis Alfar na isinabuhay nila Eljay Castro Deldoc, ang sumulat ng itinanghal na dula, at ni Ed Lacson Jr. ang Direktor”. Sa pamamagitan ng “Bit by bit company” at sa tulong ng “Hero blueberry & west” matagumpay na nabuo ang theatre play na “Children’s play for adults” kung saan kasali ang istorya ni Maria Isabella. Ang mga bida ng dula ay sina “Krystle Valentino” bilang Maria Isabella at si “Rafael Tibayan” bilang Batang Matadero.
Ang kwento ay tungkol sa isang dalagang nagnanais mapansin ng isang binata na laging nakapiring ang mga mata dahil ito raw ay nakareserba lamang para sa mga tala sa langit. Ang dula ay nagpatuloy sa paglalakbay ni Maria Isabela sa tulong ng isang kaibigan, upang mahanap ang mga kagamitan kakailanganin upang gumawa ng guryon na gagamitin upang lumipad sya sa kalangitan.
Ang pagganap ni Krystle bilang Maria Isabella ay sapat lamang upang mahusay na dumaloy ang storya at ang mga sagutan ng mga linya nila ni Rafael. Nagustuhan ko ang kanyang pag-arte sa parteng dulo kung saan siya ay nasa himpapawid na at tila halo-halong emosyong ang dumadaloy sa kanyang pagkatao – labis na nanaig ang lungkot at pagkawalan ng pagasa sa parteng dulo ng dula, dahil pinutol ni Maria Isabela ang tali na naguugnay sa kanya mula sa control ng batang matadero.
Naging kakumbinsi-binsi si Krystle sa pinaka mahalagang parte ng storya.
Ang pagganap ni Rafael ay tila naging kasing husay din ng pagganap ni Krystle, malaking parte ang naging batuhan nila ng linya at kung paano nila ito nagamit sa bawat eksena ng storya. Masasabi ko na ang karakter ng batang matadero ay naging tulay lamang upang mabigyang-diin ang damdaming bulag ni Maria Isabella at ang kanyang pagkalunod mula sa hibang nyang pangarap. Sa kabuuan masasabi kong nagampanan ni Rafael ang pagiging bata, pagiging malakas, pagiging martyr mula sa pag-ibig na hindi nya direktang nasabi kay Maria Isabella.
Masasabi kong naging kapanipaniwala ang kabuuang storya ng dula lalo na sa kalagitnaan at dulo ng storya, ipinakita ng production team ang tunay na kakayanan nito di lamang sa pagpapayabong ng storya pati na rin ang paggamit ng iba’t ibang theatrical method gaya ng “shadow puppet” at mahusay na paggamit ng props na lalong tumulong upang mapaniwala ang mga manonood ng dula.
Sa technical na anggulo ng dula lalo na sa musical & lighting ng stage, naging malakas ang kalagitnaan at dulo ng dula na sumagip mula sa tila maputlang unang parte ng storya. Bagamat nairaos ang unang parte, gamit lamang ang gitara at ang mga boses ng mga koro. Ang malinaw na pagbigkas ng mga koro at tamang emosyong ng mga artista ang naging susi sa pagpapakilala ng unang scenario ng dula.
Sa kabuuan, ang storya ni “Si Maria Isabella at ang Guryon ng mga Tala” ay isang mahusay na dula – malungkot ngunit malapit sa realidad ng ordinaryong tao.
Catch us on the closing weekend of Children's Plays for Adults! Get your tickets on Ticketworld or through the following numbers:
December 19 Saturday 3pm ••• 09177122321
December 19 Saturday 8pm ••• 09175858015
December 20 Sunday 3pm ••• 09989911028
December 20 Sunday 8pm ••• 09177012489
For more information on the production, visit
http://www.heroblueberrywest.com.ph/childrens-plays-for-adults.html
Theater review by Tony Yson
Photos and Edited by : AxlPowerhouse
More photos of Bit by Bit Company : Si Maria Isabella at ang Guryon ng mga Talaat AXLPowerhouse Facebook Fanpage.
Star Powerhouse Original
Ang dulang ito ay hango sa maiksing istorya na gawa ni Dean Francis Alfar na isinabuhay nila Eljay Castro Deldoc, ang sumulat ng itinanghal na dula, at ni Ed Lacson Jr. ang Direktor”. Sa pamamagitan ng “Bit by bit company” at sa tulong ng “Hero blueberry & west” matagumpay na nabuo ang theatre play na “Children’s play for adults” kung saan kasali ang istorya ni Maria Isabella. Ang mga bida ng dula ay sina “Krystle Valentino” bilang Maria Isabella at si “Rafael Tibayan” bilang Batang Matadero.
Ang Batang Matadero at si Maria Isabella |
Ang pagganap ni Krystle bilang Maria Isabella ay sapat lamang upang mahusay na dumaloy ang storya at ang mga sagutan ng mga linya nila ni Rafael. Nagustuhan ko ang kanyang pag-arte sa parteng dulo kung saan siya ay nasa himpapawid na at tila halo-halong emosyong ang dumadaloy sa kanyang pagkatao – labis na nanaig ang lungkot at pagkawalan ng pagasa sa parteng dulo ng dula, dahil pinutol ni Maria Isabela ang tali na naguugnay sa kanya mula sa control ng batang matadero.
Ang paglipad ni Maria Isabella sa Guryon |
Ang pagganap ni Rafael ay tila naging kasing husay din ng pagganap ni Krystle, malaking parte ang naging batuhan nila ng linya at kung paano nila ito nagamit sa bawat eksena ng storya. Masasabi ko na ang karakter ng batang matadero ay naging tulay lamang upang mabigyang-diin ang damdaming bulag ni Maria Isabella at ang kanyang pagkalunod mula sa hibang nyang pangarap. Sa kabuuan masasabi kong nagampanan ni Rafael ang pagiging bata, pagiging malakas, pagiging martyr mula sa pag-ibig na hindi nya direktang nasabi kay Maria Isabella.
Ang mga cast ng Si Maria Isabella at ang Guryon ng mga Tala |
Sa technical na anggulo ng dula lalo na sa musical & lighting ng stage, naging malakas ang kalagitnaan at dulo ng dula na sumagip mula sa tila maputlang unang parte ng storya. Bagamat nairaos ang unang parte, gamit lamang ang gitara at ang mga boses ng mga koro. Ang malinaw na pagbigkas ng mga koro at tamang emosyong ng mga artista ang naging susi sa pagpapakilala ng unang scenario ng dula.
Sa kabuuan, ang storya ni “Si Maria Isabella at ang Guryon ng mga Tala” ay isang mahusay na dula – malungkot ngunit malapit sa realidad ng ordinaryong tao.
Catch us on the closing weekend of Children's Plays for Adults! Get your tickets on Ticketworld or through the following numbers:
December 19 Saturday 3pm ••• 09177122321
December 19 Saturday 8pm ••• 09175858015
December 20 Sunday 3pm ••• 09989911028
December 20 Sunday 8pm ••• 09177012489
For more information on the production, visit
http://www.heroblueberrywest.com.ph/childrens-plays-for-adults.html
Theater review by Tony Yson
Photos and Edited by : AxlPowerhouse
More photos of Bit by Bit Company : Si Maria Isabella at ang Guryon ng mga Talaat AXLPowerhouse Facebook Fanpage.
Star Powerhouse Original
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento