Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post na may label na Felix Manalo

Felix Manalo | Movie Review

Hindi ko na kailangan pang kuwestiyunin ang pelikulang Felix Manalo bilang sining dahil naibigay nito ang mahusay na halos tatlong oras na pagsasadula ng buhay ni Felix Manalo at ng relihiyong Iglesia ni Cristo. Marahil matagumpay ang pelikula dahil sa dami ng mahuhusay na artistang nagsiganap. Ito na yata ang pelikulang may pinakamaraming mabibigat na artista ang gumanap. Gayundin ang antas ng pananaliksik at sining ng pagsasadula at pagkuha ng mga larawan sa makasaysayang pelikula. At mas matagumpay ang pelikula dahil wala akong ginawa sa sinehan kundi magtipa nang magtipa sa cellphone ko ng mga katanungan na base sa pagsasadula ng pelikula. Narito ang aking mga katanungan (hindi bilang sining) gaya ng napakaraming katanungan ni Felix Manalo noong kabataan niya tungkol sa Katolisismo. Hindi ko ito itinatanong para sukatin ang anuman, ito ay tanong ko lamang gaya ng maraming tanong ko rin sa Katolisismo.