Lumaktaw sa pangunahing content

Felix Manalo | Movie Review

Hindi ko na kailangan pang kuwestiyunin ang pelikulang Felix Manalo bilang sining dahil naibigay nito ang mahusay na halos tatlong oras na pagsasadula ng buhay ni Felix Manalo at ng relihiyong Iglesia ni Cristo.

Marahil matagumpay ang pelikula dahil sa dami ng mahuhusay na artistang nagsiganap. Ito na yata ang pelikulang may pinakamaraming mabibigat na artista ang gumanap. Gayundin ang antas ng pananaliksik at sining ng pagsasadula at pagkuha ng mga larawan sa makasaysayang pelikula.
At mas matagumpay ang pelikula dahil wala akong ginawa sa sinehan kundi magtipa nang magtipa sa cellphone ko ng mga katanungan na base sa pagsasadula ng pelikula.

Narito ang aking mga katanungan (hindi bilang sining) gaya ng napakaraming katanungan ni Felix Manalo noong kabataan niya tungkol sa Katolisismo. Hindi ko ito itinatanong para sukatin ang anuman, ito ay tanong ko lamang gaya ng maraming tanong ko rin sa Katolisismo.


Babala: Marami ito.

1. Kung kinukuwestiyon ni Felix Manalo noon ang relihiyong Katoliko dahil hindi raw dapat sinasamba ng mga Filipino ang mga anito, ibig sabihin ba nito ay hindi siya naniniwala sa proseso ng "localization" tuwing may nagaganap na colonization? Na ang mga naunang tumira sa Filipinas ay sumasamba na sa mga anito kaya naman bahagi ng localization process ng mga Filipino, maging ng
mga Kastila ang pagpapanatili ng kaugaliaan ng mga naunang Filipino rito?

2. Dahil hindi rin siya naniniwala sa interpretasyon ng iba't ibang relihiyon gaya ng Katoliko, Sabadista, etc., na maaaring tama o hindi masyadong tama sa pananaw ng iba, ibig sabihin ba nito ay siya lamang ang nagkaroon ng iisang tamang interpretasyon ng bibliya? Wala bang nag-interpret gaya ng pag-interpret niya nito sa ibang bansa gaya ng Espanya, Mexico, at iba pang bansang Katoliko?

3. Kung hindi siya naniniwala sa proseso ng localization, gaano ka-tama ang kauna-unahang
pinanghawakan niyang bibliya. Kung ito ay translated na mula sa Kastila pa-Tagalog. O kung Kastila man ang una niyang nabasa (na ayon sa pelikula ay hindi), gaano ka-tama ang translation nito. Ito ay dahil sa proseso ng translation ay may nagaganap na pagbabago ng kahulugan, at kung pinakatamang kahulugan ang hinahanap natin, marahil sa palagay ko, ang bibliyang kanyang binigyang pagpapaliwanag ay ang mga pinaka-una, pinakaluma, o kung hindi man ay nanggaling sa kung saan maraming unang nakita ang mga bibliya.

4. Kung interpretasyon ng bibliya ang pag-uusapan, kailangan ng matinding kaalaman sa larangan ng wikang Latin o kung hindi man ay may kaalaman sa larangan ng lingwistika. Ito ay dahil roon nanggagaling ang pagbasa ng mga kahulugan.

5. Ibig sabihin ba nito ay sa Filipinas, at tanging si Felix Manalo lamang ang nagkaroon ng ganoong pagka-intindi sa bibliya? At walang ibang gaya niya ang nakabasa o nakaintindi ng bibliya? Ibig sabihin, isang Filipino lamang ba ang nakagawa ng ganitong pagkaunawa?

6. Ang Iglesia ni Cristo bilang pangalan ng relihiyon ay hindi maiintindihan ng mga mamamayan sa ibang panig ng mundo gaya ng Korea o South Africa dahil Filipino ito bagamat ang Iglesia ay salitang Espanyol na maaaring galing sa Latin ngunit nang magkaroon na ng salitang "ni" ay mag-iiba na at magiging banyaga na ito sa ibang mamamayan kahit sa Espanya.

7. Ang araw ng pagkakatatag ng INC ay hindi ang araw ng unang pag-aaral nito ng bibliya kundi ang araw kung kailan kinilala ito ng pamahalaang kolonyal. Ibig sabihin, tinanggap ng relihiyon na kailangan pang irehistro ang relihiyon sa pamahalaan bago ito kilalanin nang lubusan ng mga mamamayan at hindi naging natural ang pagkilala nito sa sarili nitong paniniwala, sa araw na lumabas si Manalo sa kanyang kuwarto matapos ang tatlong araw na pagpapaliwanag sa tunay na kahulugan ng bibliya.

8. Isang sugo si Felix Manalo, ayon sa pelikula. Ngunit hindi ito naipaliwanag o naipakita nang lubos kung sa papaanong paraan, tanging sa naging kakayahan nitong intindihin ang mga salita sa bibliya pagkatapos nang pagsanib sa iba't ibang relihiyon matapos nitong malaman ang mga mali sa mga ito.

9. Ayon sa pelikula ay walang dimensyon ang INC ng kultura at tanging pagsunod lamang sa sinasabi sa bibliya ang kanilang isinasabuhay ngunit ang lahat ng ipinakita sa pelikula gaya ng simpleng pagmamano sa mga nakakatanda, paglapit sa mga ministro kapag may nagaganap na krisis, lahat ito ay bahagi ng kulturang Filipino na hindi naman sinabing mali ni Felix Manalo.

10. Ayon kay Felix Manalo, "Ang relihiyong ito ay walang kinalaman sa pulitika." Marahil ang tinutukoy niya ay ang pulitikal na sistemang umiiral sa tradisyonal na istruktura ng lipunan. Kung gayon, maituturing na mali sa paniniwala ni Felix Manalo ang pakikipag-usap sa kaninumang organisasyong pulitikal dahil ang pakikipag-usap ay nangangahulugang pagsang-ayon, pag-anib, o pagtanggi sa nais na pamamahala ninuman.

11. Naihalal si EraƱo Manalo bilang tagapamahalang panlahat ng INC nang pumanaw si Felix Manalo, ang kanyang ama. Nagkaroon ng demokratiko pero hindi demokratikong paraan ng paghirang dito kaya marahil dito na nagsimula ang kultura ng patrimonialismo sa INC, sa aking palagay.

12. Gaano ka-INC ang INC na itinatag ni Felix Manalo gayong sa dami na ng ministro nito, sa dami na ng nasasakupan nito, tulad ng proseso ng localization at modernization ay hindi na kaya pang sundan kung ang mga tao ay nasusundan pa ito.

13. Ang pagtiwalag ng mga kasapi ay sa paanong proseso nagaganap, sino at ano ang kredibilidad ng magsasabi ng pagtitiwalag ng isang kapatid ng INC. May isang eksena sa pelikula na ang nagtakda ng pagkatiwalag ng isang miyembro ay si Felix Manalo, ngayong nasa ikatlong henerasyon na ng Manalo, gaano kaparehas ang criteria sa pagtiwalag.

14. Kung walang kinalaman ang INC sa pulitika, bakit may eksena sa pelikula kung saan ang opisina ni Felix Manalo ay may larawan ng mga pangulo gaya ni Quezon at Osmena? Kung ito ay opisina ng relihiyon niya. O ganoon lang talaga noon ang mga opisina? O baka naman may naging gampanin naman talaga marahil ang mga pangulo noon para mapalakas o mapanatili ng INC ang estado nito.

15. Ang pagtalaga kay EraƱo Manalo ay mula sa naging halalan bago mamatay si Felix. At naging mahalaga ang huling habilin ni Felix bago ito pumanaw, "Mahalin mo ang Iglesia ni Cristo." Hindi sa kakayahan o sa edad, o sa talino kung bakit naging lider ng INC si EraƱo gayumpaman ay katanggap-tanggap ito. At dahil nasa pelikula si Eduardo Manalo at nagkaroon rin sila ng kaugnayan ng kanyang lolo, kaya marahil siya ang naging lider ng INC nang pumanaw naman si EraƱo. Sino na ang susunod?

Paumanhin kung mahaba masyado. Di naman required basahin. Gayumpaman, maraming naging gampanin ang INC sa ating lipunan na hindi natin puwede ibasura sa kalsada.

Ang mga tanong ko, uulitin ko ay lohikal na tanong rin gaya ng mga tanong noon ni Felix Manalo habang hindi niya nauunawaan ang ibang bagay, mula sa kanyang pananaw.

Movie Rate : FELIX MANALO ★★★★☆

Directed by Joel Lamangan

Movie Review by Jerome Papa Lucas

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Trailer : Wild and Free of Regal Entertainment

Why put a limit on love when you can be WILD and FREE? Watch the exclusive Full Trailer of the movie, WILD and FREE starring Sanya Lopez and Derrick Monasterio Opens October 10 in cinemas nationwide

Forbes magazine's annual ranking of global billionaires 2015

Here the complete list of the Top 50 Global Billionaires 1. Bill Gates Net Worth: $79.2 B Source of wealth: Microsoft 2. Carlos Slim Helu & family Net Worth: $77.1 B Source of wealth: telecom

Film Review : Just The 3 Of Us

My notes on Just The 3 Of Us: 1. The movie reminded me so much of this late 90's rom-com with Matthew Perry as a happy-go-lucky bachelor who had a one night stand with a sultry Salma Hayek in Vegas. She ended up pregnant, they got married, and then discovered each other's personalities while fixing family and work issues. It was called Fools Rush In and I would have asked you to rent it in a local Video City, but I think all of their stores closed ages ago. 2. In this version though, the girl CJ (Jennylyn Mercado) would rather stalk the potential father and be the emotional punching bag of Uno (John Lloyd Cruz) who had a bad temper (F-words everywhere!), an a-hole attitude ("So what? Buhay ko 'to. Kahit mag-swimming ako sa alak wala ka pakialam!"), crazy reasoning (he wanted to take care of CJ and the baby, but made her sleep on an uncomfortable sofa bed in the living room with poor ventilation), and a drinking problem that were all supposedly reasonab...