Lumaktaw sa pangunahing content

Bakit kaya nagtataka 'yung iba kung bakit My Bebe Love at Beauty and the Bestie ang nangunguna sa takilya?

Bakit kaya nagtataka 'yung iba kung bakit My Bebe Love at Beauty and the Bestie ang nangunguna sa takilya habang ang Nilalang at Honor Thy Father ay nangungulelat sa kabilang banda?
Ilang puntos.

Ang MMFF ay isinasagawa tuwing panahon ng Pasko at mahaba ang bakasyon.


Ilang puntos lang.

1. Comedy, horror, at romantic movies ang laging mangunguna sa box office ng MMFF. Kasi ang Pasko ay para sa mga bata at nagmamahalan. Hindi ito para sa mga gustong paganahin ang utak nila at magfocus sa kalidad ng pelikula. Hindi ko sinasabing walang kalidad ang mga comedy films natin pero mas pinagtutuunan ng ibang genre ang kalidad ng pelikula.

2. Dahil pambata ang Pasko, ang mga bata ay dadalhin ng mga magulang nila sa sinehan kung saan mag-eenjoy ang mga bata.

3. Mas gustong tumawa ng mga tao kapag Pasko kaysa umiyak.

4. Ang MMDA ang nangangasiwa sa MMFF. Kung may anomalya sa ibang film fest tulad ng Cinemalaya, paano pa sa isang film fest na ang namamahala ay hindi naman iskolar ng paggawa ng pelikula o kahit pagsulat man lang.

5. Ilang taon nang trend ang pagiging patok sa takilya ng comedy films kaya huwag nating isiping bobo ang mga manonood kapag pinakapinili nila ang mga comedy films para sa mga kasama nilang bata.

Ang sinasabi ko lang, dapat maging malinaw kung para saan ang MMFF. Kung para sa katuwaan at kagalakan ito, baka wala tayong problema sa isyu ng takilya pero kung isyu ng kalidad ng pelikula, mahaba-habang usapan iyan. Hiwalay pa ang isyu ng pulitika.

Written by : Jerome Papa 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Trailer : Wild and Free of Regal Entertainment

Why put a limit on love when you can be WILD and FREE? Watch the exclusive Full Trailer of the movie, WILD and FREE starring Sanya Lopez and Derrick Monasterio Opens October 10 in cinemas nationwide

Film Review : The Super Parental Guardians

The Super Parental Guardians is a 2016 Philippine action comedy film starring Vice Ganda and Coco Martin. The film is directed by Joyce Bernal and is under the production of Star Cinema. The film marks the second film of Coco with Vice after their blockbuster tandem in the 2015 movie Beauty and the Bestie.

Theater Review : Baril at Buwan sa Eb major

The Powerhouse cast of Baril and Buwan sa Eb Major together with the director Andoy Ranay For every person who has lived in this world, there is this moment of time that we have experienced pain, fear and grief. These feelings are caused by events that have happened in our lives; and will always scar in our heart and mind no matter how light or heavy it is.