Lumaktaw sa pangunahing content

Gerald at Arci nagiinit sa Always Be My Maybe

Gerald Anderson and Arci Munoz
BIDA sina Gerald Anderson at Arci Munoz sa Always Be My Maybe – ang nalalapit at pinakabagong romantic comedy mula sa Star Cinema.

 Sa ilalim ng direksyon ni Dan Villegas at sa panulat ng talentadong grupo ng Palanca winner na si Patrick Valencia, Pertee Brinas – na isa sa mga produksyon ng patol na musicale na Kung Paano Ako Naging Leading Lady – at Jancy Nicolas, na isa sa mga manunulat ng blockbuster hit na Crazy Beautiful You, ang Always Be My Maybe ay istorya ng dalawang taong sawi sa pagibig. Nakasentro ang pelikula kay Jake (Anderson) n ani-reject ng kanyang nobya matapos niyang mag-propose ng kasal dala ng 6 na taon na silang magkasintahan; at kay Tin-Tin (Arci MuƱoz) na hininto ang kanyang “no labels” na relasyon sa isang lalake mataos niyang malaman na ito ay nakipagbalikan sa babaeng mahal na mahal niya.
Pagbubukludin sila ng mga puso nilang sugatan at matututo sila tungkol sa commitment at tunay na ibig sabihin ng kasiguraduhan sa isang pagsasama hanggang di inaasahang sila mismo ay magkaroon ng isang
relasyon na walang kasiguraduhan.

Minamarkahan ng Always Be My Baby ang unang tambalan sa pelikula nina Gerald at Arci, na dalawa sa
pinaka-maiinit, pinaka-seksi, at pinakamahusay na batang actor ng kanilang henerasyon.

Ang Always Be My Maybe ay ang unang pelikula ni Gerald mula ng magbida siya sa Everyday I Love You na patok sa takilya noong Oktubre 2015. Si Gerald, na nagdiriwang ng kanyang ika-10 anibersaryo sa industriya, na isa sa pinaka-matagumpay na leading man ng Star Cinema. Sunod-sunod ang kanyang mga blockbuster movies mula ng siya ay nagsimula bilang isang actor. Ipinakita ni Gerald ang kanyang versatility bilang isang dramatic actor sa mga di malilimutang pelikula tulad ng Halik Sa Hangin (2015), On The Job (2013), Won’t Last Day Without You (2011), Catch Me I’m In Love (2011), Till My Heartache Ends (2010), at Paano Na Kaya (2010)

Sa telebisyon, binigyang buhay ni Gerald ang ilan sa mga di malilimutang karakter sa mga top rating series ng ABS-CBN tulad na lamang nina David “Jay-R” Garcia Jr. sa Tayong Dalawa (2009), Robbie Castillo sa Kung Tayo’y Magkakalayo (2010), Benjamin “Budoy” Maniego sa Budoy (2011 to 2012) at ni Paul Laxamana sa Nathaniel (2015). Tiyak na mapapamahal ang karakter ni Jake sa sambayanan sapagkat ibang Gerald ang makikita nila sa pelikula – isang bagay na di dapat palagpasin ng mga tagahangga.

The Artistic Staff of Always be my Maybe
Ang Always Be My Maybe din ang pinakahihintay na launching movie ni Arci sa Star Cinema. Si Arci, na nagiwan ng isang markadong paganap sa A Second Chance, ay isa sa pinaka-seksing aktres ng bansa at siya ang calendar girl ng Ginebra San Miguel ng kasalukuyang taon. Ang kanyang pagganap sa papel ni Tin-Tin sa Always Be My Maybe ay ibang iba sa senswal niyang pagganap sa papel ni Norma Elizondo sa top-rating late afternoon series ng Dos na Pasion De Amor.

Ito rin ang unang kolaborasyon ni Dan Villegas kina Gerald at Arci. Si Villegas ang blockbuster director sa likod ng 2015 box-office smash hit na The Breakup Playlist na pinagbidahan nina Piolo Pascual at Sarah Geronimo at siya rin ang director ng MMFF box-office hits na English Only, Please (2014) at #walangforever (2015)

Bibigyang liwanag ng Always Be My Maybe ang mga mistreyo sa likod ng pagibig at tutulungan ng pelikula ang mga manonood na Makita ang daan, sa pamamagitan ng love story nina Jake at Tin-Tin, sa nakakaloka at walang kasiguraduhang mundo ng romansa. Tunghayan sina Gerald at Arci sa kanilang pinakamainit na pagganap, habang matututo ang kanilang mga karakter na tanggapin ang pagibig sa kabila ng mga kakulangan nito. Habang ipinapakita ang istorya nina Jake at Tin-Tin, malalaman ng mga manonood kung kailangan ba talagang sigurado ang pagibig bago mag-commit sa isa’t-isa ang isang magkasintahan.
Ipapalabas ang Always Be My Maybe sa lahat ng mga sinehan sa buong bansa simula ngayong Pebrero 24, 2016.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Trailer : Wild and Free of Regal Entertainment

Why put a limit on love when you can be WILD and FREE? Watch the exclusive Full Trailer of the movie, WILD and FREE starring Sanya Lopez and Derrick Monasterio Opens October 10 in cinemas nationwide

Forbes magazine's annual ranking of global billionaires 2015

Here the complete list of the Top 50 Global Billionaires 1. Bill Gates Net Worth: $79.2 B Source of wealth: Microsoft 2. Carlos Slim Helu & family Net Worth: $77.1 B Source of wealth: telecom

Film Review : Just The 3 Of Us

My notes on Just The 3 Of Us: 1. The movie reminded me so much of this late 90's rom-com with Matthew Perry as a happy-go-lucky bachelor who had a one night stand with a sultry Salma Hayek in Vegas. She ended up pregnant, they got married, and then discovered each other's personalities while fixing family and work issues. It was called Fools Rush In and I would have asked you to rent it in a local Video City, but I think all of their stores closed ages ago. 2. In this version though, the girl CJ (Jennylyn Mercado) would rather stalk the potential father and be the emotional punching bag of Uno (John Lloyd Cruz) who had a bad temper (F-words everywhere!), an a-hole attitude ("So what? Buhay ko 'to. Kahit mag-swimming ako sa alak wala ka pakialam!"), crazy reasoning (he wanted to take care of CJ and the baby, but made her sleep on an uncomfortable sofa bed in the living room with poor ventilation), and a drinking problem that were all supposedly reasonab...