PREMISE
‘BINONDO: a Tsinoy Musical’ tells the story of how LILY, a Filipina night club singer in pre-Martial Law Manila, and AH TIONG, a mainland Chinese scholar returning to Cultural Revolution-era Beijing, embark on a journey of great love and heartbreak that begins one fated, moon-lit night during the Mid-Autumn Festival of 1971 in the heart of Manila’s Chinatown.
LILY, a hopeless romantic, finally finds her unlikely great love in AH TIONG, a cynic about destiny, during this night of one of the fullest moons ever recorded and on the birthdate of Ge Lao, the Old Man Under the Moon or the Chinese Deity of Love. Vying for LILY’s heart as well is CARLOS, a local Chinese childhood friend of hers who is finally pushed to confront his feelings for her with the arrival of this stranger set on stealing her heart. A triangle centered on different ways of loving and receiving love forms the crux of this story.
Spanning two decades and two countries, the musical explores how love overcomes even times of racial prejudice and political turmoil and endures years of waiting and absence, only to grow deeper and change the lives of everyone who dares to put their hearts on the line.
MGA TAGPUAN
UNANG YUGTO – 1971, Chinatown at Mendiola Manila PH, Shenzhen Harbor at Beijing Labor Camp CN
IKALAWANG YUGTO – 1971-1986, Chinatown Manila PH, Beijing Labor Camp at University Housing CN
CHARACTER SKETCHES
LILY (25/40)
-Filipina, hopeless romantic, laking Chinatown dahil sa factory ng mga Chinese nagtrabaho ang mga magulang niya noon kaya sanay na siya sa kulturang Tsino, hindi nakatapos sa college dahil namatay ang ama sa barilan sa loob ng isang club at kinailangan niyang tumulong sa ina na kumita ng pera, namasukan bilang kahera sa Divisoria bago natanggap bilang isang singer sa The Lotus Club sa Binondo, halos araw-araw bumibisita sa altar ni Ge Lao (ang Diyos ng Pag-ibig, o ang matandang nananahan sa mukha ng buwan) para humiling na makita na niya ang lalaking nakatadhana para sa kanya
AH TIONG (27/42)
-mainland Chinese, iskolar ng Beijing University na katatapos lang ng PhD sa Amerika, pragmatic kaya hindi naniniwala sa great love o destiny kundi ang pag-ibig ay isang duty na kailangang bigyan ng commitment, tanggap niyang may nakatakda na sa kanyang aasawahin pagbalik sa Tsina, nadaan sa Pilipinas para magbakasyon ng 2 linggo bago umuwi sa Tsinang nabalitaang nabalot na sa gulo ng Cultural Revolution
CARLOS (26/41)
-local Chinese, kababata ni LILY, anak ng may-ari ng factory na pinagtrabahuan ng mga magulang ni LILY noon, lumaking malapit sa mga kaibigang Pilipino, nagsimulang maging aktibista mula college kaya sinasama-sama niya si LILY tuwing may kilos-protesta, nasanay nang tinutulungan si LILY gaya ng pagpapapasok dito sa The Lotus Club na pagmamay-ari ng kaibigan ng pamilya nito, para sa kanya ang pag-ibig kahit magsimulang simple ay pinipili at ginagawang great
JASMINE (26/41)
-mainland Chinese, kasamahan ni AH TIONG sa Beijing University at anak ng malalapit na kaibigan ng mga magulang nito, ang babaeng itinakda para kay AH TIONG hindi lamang dahil malakas ang mga magulang ni JASMINE sa Communist Party kundi dahil lumaki rin siyang kilala na ng pamilya, para sa kanya ang pag-ibig ay desisyon na tanggapin ang isang tao nang buong-buo
RUBY (15)
-Chinese-Filipina, anak nina LILY at AH TIONG, lumaking alam ang katotohanan na hindi si CARLOS ang tunay niyang ama kaya mas mamahalin pa niya ito at isusumpang ayaw nang makita pa si AH TIONG, pinalaking Chinese ng mga magulang ni CARLOS matapos sila tanggapin mag-ina, testigo sa sakripisyo ng inang si LILY na pumayag na maging halos ghost/miyembrong walang boses sa bahay ng mga CHUA kapalit ng magandang buhay para sa kanya, matututunan mula sa halimbawa ni CARLOS na ang pag-ibig ay debosyon at ang paghahangad ng ikabubuti ng minamahal
MATANDANG TSINO/GE LAO
-matandang Tsinong nagbabantay sa altar ni Ge Lao (ang Diyos ng Pag-ibig para sa mga Tsino, o ang matandang nananahan sa mukha ng buwan), kilala na si LILY dahil sa halos araw-araw na pagbisita ng dalaga upang hilingan ang estatwa, sa totoo’y siya ang incarnation ni Ge Lao sa lupa upang makahalubilo ang mga tao
LIDER NG KORO, at sina KORO 1, 2, 3, at 4
-mga miyembro ng Koro na magsisilbing mga tagapagkwento ng musical at gaganap sa iba’t-ibang mga karakter sa dula (hal. mga waiters sa club, reporter ng balita, lider ng mga rally, mga miyembro ng Philippine Constabulary, mga miyembro ng Red Guard, atbp.), mga alipin ni Ge Lao sa pagtatakda ng tadhana, makukulit, witty, at madalas comic relief ng mga eksena
MRS. DELA ROSA (50)
-nanay ni LILY, mapagmahal, boto kay CARLOS na maging kasintahan ang anak dahil matagal na niyang napansin na may pagtingin ang binata dito, tututol sa umpisa sa pagmamahal ng anak kay AH TIONG na estrangherong aalis at baka hindi na bumalik, may malubhang sakit kaya parating nangangamba para sa kinabukasan ng anak na dalaga sakaling maiwan na niya ito
MR. CHUA (53)
-tatay ni CARLOS, hindi mapagsalita kaya wala masyadong relasyon sa anak kahit mahal niya ito, tutol sa pagsama ng anak sa mga rally dahil para sa kanya sadyang magkaiba ang mga lannang (local Chinese) at mga hwanna (barbaro/pej. for Filipino), itatakwil ang anak nang bulagain siyang bitbit-bitbit nito ang anak ng dating mga pahinante na buntis
MRS. CHUA (49)
-nanay ni CARLOS, maaruga at halos i-spoil ang anak para bumawi sa pagka-distant ng asawa, tradisyunal din ang paniniwala ukol sa pagkakaiba ng mga lannang at hwanna pero hinahayaan ang anak na sumama sa mga kilos-protesta dahil alam niyang ito lang ang makakapagpasaya dito, pipilitin ang asawang tanggapin muli ang anak at ang asawa nitong si LILY lalo na’t may supling na silang dadalhin (si RUBY) na palalakihin niyang halos bilang sariling anak at bilang Chinese
MR. ZHANG (58)
-tatay ni AH TIONG, propesor ng sosyolohiya sa Beijing University, boto kay JASMINE para sa anak, magiging biktima ng pang-aabuso ng mga Red Guard—ipaparada at ipapahiya nila siya bilang kontra-rebolusyonaryo at iiwang nasa bingid ng kamatayan matapos ng parada
MRS. ZHANG (51)
-nanay ni AH TIONG, propesor ng sikolohiya sa Beijing University, boto kay JASMINE para sa anak dahil alam niyang mabuti itong babae at mas lalo na dahil ang mga magulang lang ni JASMINE ang nakatulong sa asawa niya matapos itong pahirapan at ngayon naman ay para mapalaya rin ang anak pagkatapos itong hulihin pag-uwi ng Tsina

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento