Raoul Manuel, the first summa cum laude in the University of the Philippines - Visayas, as he shares the thought of being a summa cum laude..
"Tara, kuwentuhan tayo.
First time kong na-encounter ang mga katagang Summa Cum Laude noong ako ay nasa Grade 3. Nakasulat siya sa blackboard bilang isa sa mga paglalarawan kay dating Pangulong Ferdinand Marcos. Noong makita ko iyon, hindi ko alam ang ibig sabihin ng Summa Cum Laude. Basta ang alam ko, iyon ay isang mataas na karangalan. Pagkatapos noon, hindi ko naman inasam na maging Summa Cum Laude. At mas lalong hindi ko inasam na maging katulad ni Marcos.
Long story short, nakamit ko ang pinakamataas na gantimpalang pang-akademiko na iginagawad ng pamantasan. Oo, Summa Cum Laude ako, pero sa totoo lang, ayokong matandaan ng iba bilang ganun. Mas gusto kong matandaan bilang isang mabuting kaibigan, responsableng lider-estudyante, bilang tao. Ang mga ito ay ilan sa mga katangiang labas sa sakop ng isang General Weighted Average (GWA), ng isang titulo. Kung may mga bagay mang mas nakapagpasaya sa akin kesa sa pagiging Summa Cum Laude, ito ay ang mga simple pero makahulugang pangyayari, kagaya nung malaman ko na kasabay kong gagradweyt ang aking mga kaibigan.
To all university officials, members of the UP community, graduating students, parents, friends, a pleasant morning. Ikinagagalak kong makita kayo sa programang ito. Sayang nga lang at wala rito ngayon ang ating minamahal na UP President na si Alfredo Pascual. Pinayuhan kasi niya tayo noong Pebrero 4 sa isang konsultasyon kasama ang mga kapwa natin estudyante na wag na raw nating pag-aralan ang mga kaganapan sa loob ng pamantasan. Sa halip, mag-aral na lang daw tayo nang mabuti, gumradweyt, magtrabaho, at pumasok sa Kongreso. Marahil ay sa tingin niya, sa ganoong paraan tayo magiging makabuluhang mga estudyante at mamamayan ng bansa.
Kung andito sana ngayon si President Pascual, masasabi na natin sa kanya: heto na po kami, nag-aral nang mabuti at gumradweyt. Pero taas noo din nating sasabihin sa kanya na hindi natin hihintayin, bilang mga estudyante, na tayo ay magkaroon ng trabaho para maging makabuluhang sa bansa. Sapagkat sa ganoong pananaw, tila nakakalimutan natin ang papel ng mga estudyante sa paghubog ng kasaysayan. Halimbawa, malaki ang naging ambag ng mga estudyante sa pagpapatalsik sa dating diktador na maraming beses na nilabag ang karapatan ng kanyang mga nasasakupan. Through the times, UP has been considered the bastion of student activism.
Marami ang nagsasabi: huwag na raw maging aktibista, masasayang lang ang mga taon mo sa kolehiyo. Delayed kung gumradweyt daw ang mga aktibista. Madalas pa lumiban sa klase, kaya sinasayang lang daw nila ang perang ginagastos para sa kanilang edukasyon.
Tanong ko naman: Para saan ang perfect attendance sa isang klase na kulang naman sa lab equipment dahil sa kakulangan ng badyet para sa sector ng edukasyon? Para saan ang perfect attendance sa klase kung karamihan sa kabataang Pinoy ay hindi nga makapasok sa paaralan dahil sa mataas na matrikula? Para saan ang perfect attendance sa loob ng classroom kung ang kalakhan ng mga tao sa labas ng unibersidad, ang sambayanang Pilipino na siyang dapat nating pagsilbihan, ay nangangailangan ng tulong nating mga Iskolar ng Bayan, nating mga Pag-asa ng Bayan, sa kanilang mga laban kontra sa mga di-makatarungang sistema sa Pilipinas, a country where rags to riches stories are exceptions rather than the rule?
At kung pariwara ang mga aktibista, bakit maraming aktibista ang magsisipagtapos ngayong taon na may leadership award at latin honors? Marunong din naman kami ng time management. May oras naman kami para mag-aral, makipag-bonding with friends, at siyempre, mag-party. This year, we are indeed making history, because this batch of graduates has proven that student activism is not a hindrance to achievement in college.
Sa aking kapatid na si Nadine at sa aking pamilya, salamat sa pagdalo sa okasyong ito. Salamat sa suporta. Sa aking ina, si Clarizel Joy Abellar, kung may superwoman sa buhay ko, ikaw iyon. Hindi ko alam kung saan mo kinukuha ang iyong lakas para patuloy na lumaban araw-araw para maitaguyod ang ating pamilya. Salamat sa iyong pag-unawa at pagmamahal sa amin.
Sa mga magulang, nagbunga rin sa wakas ang inyong mga pagsisikap para mapatapos kami ng pag-aaral. Pagpupugay sa inyong lahat.
Sa aking ama, si Raul Manuel, salamat sa pagkayod para sa amin. Alam naming mahirap mawalay sa pamilya habang nagtatrabaho sa ibang bansa. Patawad kung ayaw kong umalis at magtrabaho sa bansang naging iyong pangalawang tahanan. Dito sa Pilipinas, patuloy akong lalaban nang sa gayon ay darating ang panahon na mayroon nang sapat na trabaho para sa bawat Pilipino sa bansang ito, at wala nang magulang na lalabas ng bansa at iiwan ang pamilya para guminhawa ang kanilang buhay. Sana ay hayaan ninyo akong manatili at dito maglingkod. Andito kasi ang aking mahal… ang lupang tinubuan. "
Photo of Raoul Manuel credit to the owner

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento