Maxene Magalona soon to be Kapamilya??

AALIS sa GMA Network si Maxene Magalona, nagpa-release ito sa kontrata, but unlike Aljur Abrenica, mukhang walang kontrobersya ang pag-alis ng aktres sa Kapuso Network dahil maayos ang usapan ng dalawang kampo.
 
May dalawa pang shows sa kanyang kontra-ta sa GMA-7 na hindi naga-wa si Maxene.
 
Sinubukang habulin ng istasyon si Maxene at in-offer na isasama muna sa Bubble Gang habang wala pang maibigay na show, pero hindi na tinanggap ng kampo ng aktres.
 
Hindi pa sinasabi kung saang network lilipat si Maxene, pero balitang sa ABS-CBN ito .
 
Maiiwan sa GMA-7 ang mga kapatid niyang sina Frank, Arkin at Elmo dahil may kontrata pa ang mga ito sa Kapuso Network.

News Feed from www.journal.com.ph

Mga Komento