Kc Concepcion never talked about Dyesebel??

NAKAPLANO na raw ang biyahe ng anak na si KC Concepcion sa New York City bago pa man pumutok ang balita na masama ang loob niya dahil hindi siya napili bilang Dyesebel.

Ayon kay Sharon Cuneta nang makausap ng press sa taping ng Madam Chairman kung saan guest si Richard Gomez, acting school ang pag-aaralan ni KC sa Big Apple.

“Hindi naman napag-usapan ’yung sa Dyesebel. No, no!

“The abroad plans were months ago pa. She discussed it with Boss Vic (del Rosario) before pa. Before she was shooting Boy Golden pa yata or during. Wala pa ’yung talks ng Dyesebel.

“We never talked about Dyesebel... come to think of it.


“Ang alam ko, she was… I can’t speak for her. Pero in a way, she feels bad ’coz she didn’t win best actress, ’di ba? Boy Golden. In a way, she’s happy also because a lot of people said she did a good job and they noticed. So, sulit naman ’yung kanyang training kay Direk Chito (Roño).

“Saka happy ako na she already has that feather in her cap that Direk Chito handled her already,” pagmamalaki ni Shawie sa anak.

Sa guesting ni Goma sa ilang natitirang weeks sa MC, touched na touched siya sa gesture ng past boyfriend. Eh, si Gabby Concepcion ba, hindi maggi-guest?

“Kung pagbibigyan niya kami. Nahihiya kasi ako kay Gabby kasi hindi ko na rin siya nakakausap. Of course, we would love to have him. Kung sino naman ang bibigyan kami ng honor to guest dito (sa show) before we end. Five taping days to go so, sana, mapagbigyan kami ng mga kaibigan ko na matagal ko nang hindi nakita,” wish ni Shawie.

Kahit mawala na ang kinagigiliwan niyang show, meron pang bago na naghihintay sa kanya sa TV5.         Nakaplano na kasi ang projects na gagawin niya sa network sa buong taon.

Matutuloy na rin ang paggawa ni Sharon ng movie this year under Viva Films at isang malaking concert bago matapos ang taon ang inihahanda niya kasabay ng anibersaryo niya sa showbiz.

Via http://journal.com.ph/ / Photo Credit to the owner

Mga Komento