TV5 Revealed Its New Noontime Show GAME N GO, Goes Head On With IT'S SHOWTIME


Tatapatan na ng TV5 ang IT'S SHOWTIME sa ABS-CBN at EAT BULAGA na blocktimer sa GMA. Ang bagong noontime show ay GAME N GO na hosted by Edu Manzano.

Magiging katapat na katapat ng GAME N GO ang IT'S SHOWTIME kasi ang bagong noontime show ng TV5 ay Monday to Saturday 11:30am to 1:30pm. Mas mahaba lang ang Showtime ng 1 hour.

Hindi nangiisa si Edu bilang host. Makakasama niya bilang co-hosts ang mga sumusunod: Arnell Ignacio, Tuesday Vargas, Pretty Trizsa, Wendy Valdez and Shalani Soledad-Romulo.

Bukas magkakaroon ng presscon ang TV5 upang i-announce ang bagong shows kabilang ang bagong show ni Sharon Cuneta, KANTA PILIPINAS na hosted by Lea Salonga, KAPITAN AWESOME, isang sitcom na kasama si Empoy, Martin Escudero, and Andrew E, mga bagong reality shows tulad ng EXTREME MAKEOVER, AMAZING RACE, and LOVE IN TEMPTATION ISLAND.

In fairness bongga ang mga shows ng TV5! Todo showdown na ito ng ABS-CBN, GMA at TV5!

Via http://abscbnfan.multiply.com

Mga Komento